Biyernes, Nobyembre 4, 2011

SEICHANG USHIMU(Ang Pinoy Anime ng Japan)











Audition Stories: Seichang

Makulit at kwela: si Seichang ay nakilala dahil sa mga natatanging katangiang ito. Hirap mang mag-Tagalog, pilit na idinadaan ni Seichang sa pagiging masayahin ang pakikisama sa kanyang mga housemates. Sa likod ng kanyang masayang disposisyon ay isang masalimuot na pinagdaanan sa bansang Japan.

Si Seichang ay dating law student na napilitang huminto sa kanyang pag-aaral dahil hindi naging madali ang buhay sa bansang kinagisnan. Namulat si Seichang sa isang pamilyang hindi naging buo dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Dahil dito ay hindi lubos na naramdaman ni Seichang ang pagkakaroon ng isang buong pamilya at aminado siyang naramdaman lamang niya ito nang minsan niyang binisita ang pamilya ng kanyang ina sa Davao. Dahil mas angat ang kanyang pagka-Pinoy, nahirapan rin si Seichang makihalubilo sa mga Hapon sa Japan at tuluyang naging “lonely” sa bansang ito. Mula noon ay inasam na ni Seichang na manatili sa Pilipinas kung saan siya mas naging komportable sa kanyang pagkatao.

Sinubukan niyang magpaalam sa kanyang lola sa Japan upang payagan siyang manatili na sa Pilipinas ngunit nahirapan siyang mapapayag ito. Bumalik siya sa Pilipinas ngunit kinalauna’y na-miss niya rin ang kanyang lola. Sa kasawiang-palad ay hindi niya na ito muling nakasama dahil inilayo ng kanyang ama.

Sa likod ng mga pangyayaring ito sa kanyang buhay, pinipili pa rin ni Seichang na ngumiti na lamang. Ayon nga sa kanya, “chika chika at smile smile lang!”
Born and raised in Japan, half-Japanese and half-Pinoy Seichang Uchimi has always been in search of his Filipino side. As the 12th housemate, the “Pinoy Anime of Japan” is hoping to discover his true self.
Real Name:Seiichi Ushimi


http://www.facebook.com/pages/Seichang-Ushimi-seichanatics/270925656281988 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento